Maja sa ‘Ang Probinsyano’: Sure bang matatapos na?

ISA ang aktres na si Maja Salvador sa mga hindi makapaniwala na magtatapos na ngayong linggo ang long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“Sure ba? Matatapos ba talaga?” nagdududang tanong ni Maja.

Dagdag ng aktres na naging bahagi rin ng teleserye: “Siyempre parang naging habit na ng mga Pinoy na every day, every night may ‘Ang Probinsyano.’ Naging parte na talaga ng buhay nila. Ngayon na matatapos na I’m sure maraming malulungkot.”

“In fairness naman kasi sa ‘Ang Probinsyano,’ episodic naman kasi at saka ang daming mga bagong characters na pumapasok at lahat naman ‘yon parang ang gaganda nang nagiging resulta ng kuwento ng bawat characters na ipinapasok,” sey pa niya.

Binati naman niya ang bida at direktor ng teleserye na si Coco Martin.

“Co, congratulations! Grabe ‘yung naging journey mo. Kitang-kita naman kung gaano ka ka-passionate sa mga project na ginagawa mo at nakikita naman ‘yon ng lahat. Congratulations dahil nakagawa ka ng isang napakaganda, napakatinding teleserye at talagang hindi makakalimutan ng bawat Filipino,” sabi ni Maja.