Pabida sa inuman tinarakan, todas

SINAKSAK at napatay ang obrero ng kainuman na nainis umano sa kanyang kadaldalan sa Gen. Trias, Cavite nitong Lunes.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima, 45, residente ng Brgy. San Francisco, pero hindi na naisalba ng mga doktor.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Zenjie Bajar, kapitbahay ng biktima, na tumakas matapos ang pananaksak.

Ayon sa ulat, nainis si Bajar sa sobrang daldal ng biktima habang nag-iinuman sila kasama ang ilang kapitbahay kaya kumuha ito ng kutsilyo ang tinarakan ang huli.

Kapwa lasing ang dalawa nang maganap ang insidente hatinggabi ng Lunes.

Sinabi ng mga saksi na hindi makasingit ang suspek sa kuwentuhan dahil sa pagpapabida ng biktima.