James Yap happy para sa bagong love life ni Kris

HAPPY para sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino si PBA player na si James Yap ngayon na may bagong love life na ito.

Ayon kay Yap na tumatakbo rin para sa halalan 2022 masaya siya lalo’t napaulat na engaged na si Kris sa kanyang boyfriend na si dating Interior Secretary Mel Senen Sarmiento.

“Happy for her,” chika ni James nang tanungin ukol sa engagement nina Kris at Mel.

Kamakailan ay ibinunyag ni Kris na engaged na siya kay Mel. Nagkakilala umano ang dalawa sa lamay ng yumao niyang kapatid na si dating Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nagkaroon ng civil wedding sina Kris at James noong 2005 sa bahay ng matalik nitong kaibigan na si Boy Abunda.

Meron din silang anak, si Bimby.