Jake Zyrus nagluluksa in private sa pagpanaw ng lolo, tiyo

UMAPELA ang manager ni Jake Zyrus na pabayaang magluksa nang pribado ang trans man singer sa pagkamatay ng dalawang mahal sa buhay.

Nitong Biyernes ay naglabas ng statement ang manager ni Jake na si Carl Cabral ukol sa pagdadalamhati ng kanyang alaga.

“This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately. We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” aniya.

Hindi naman sinabi ng manager kung nagparamdam na si Jake sa kanyang pamilya at kung nakapagbigay na ito ng tulong gaya ng hiling ng ina niyang si Raquel Pempengco.

Wala ring balita ang manager kung nasilip na ni Jake ang mga labi ng lolang si Tess Relucio at tiyo na si Robert.

Kamakailan ay nagmakaawa kay Jake ang ina na tulungan siya nito sa burol at cremation/libing ng dalawang kapamilya.

“Wala pang paramdam si Charice (dating pangalan ni Jake) hanggang ngayon. Need ko talaga ngayon ang tulong,” ani Raquel.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko,” dagdag niya.

Inamin ni Raquel na mula umano noong namatay ang ina niyang si Tess Relucio nitong April 3 ay hindi pa raw nagpaparamdam sa kanila si Jake.