Van sumirko sa tulay; 2 todas

DALAWA ang nasawi habang 21 ang sugatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang van sa isang tulay sa Cebu.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang-taong-gulang na bata at 56-anyos na babae.

Base sa pagsisiyasat, binabagtas ng pampasaherong van ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) nang pumutok ang isa sa mga likurang gulong kaya ilang beses nagpasirko-sirko ang sasakyan.

Ilang mga pasahero ang tumilapon sa pagbaligtad ng van, kabilang ang mga nasawing biktima.

Napag-alaman na galing ng Cordova ang sasakyan at papunta sa terminal sa isang mall sa Cebu City.