Gina Pareño nagmakaawa: Bigyan n’yo ko ng trabaho

NAGMAMAKAAWA sa mga film producers at TV networks ang beteranang aktres na si Gina Pareño na kunin siya sa mga projects dahil dalawang taon na umano siyang bakante.

Sa panayam ni Ogie Diaz para sa vlog nito, sinabi ni Gina na gustong-gusto na niyang muling makaararte.

Ayon sa aktres, simula pa ng pandemya ay nawalan na siya ng film at TV projects.

“Alukin naman ninyo ako. Kunin naman n’yo ko, sige na. Kasi pag sa kuwarto ako aarte, alam mo sa kuwarto… aarte-arte ako, baka mauwi ako sa mental nito,” ani Gina.

“Sana mabigyan ako ng role,” dagdag niya. “Nakakaloka ang hindi umaarte.”

Samantala, napag-alaman na kabilang sa cast ng GMA teleserye na Lolong ang premyadong aktres.