Ina ni Heaven Paralejo kay DJ Chacha: I-tag mo, wag puro parinig

KINASAHAN ni Luanne Paralejo, ina ng aktres na si Heaven Paralejo si DJ Chacha matapos magpasaring ang huli sa Twitter tungkol sa pang-aagaw ng boyfriend

“Yung mga taga-showbiz diyan na gusto mag-promote ng bashing pero puro encrypted message, mag-tag kayo kung talagang matapang kayo. Huwag puro parinig tapos kapag sinugod ng fans sasabihin niyo wala kayong minention. Oo, para sa’yo ‘to, DJ Chacha,” galit na pahayag ng ina ni Heaven.

Kamakailan ay nagtweet si DJ Chacha na ‘wag mang-agaw ng nobyo o makiepal sa relasyon.

Sunod niyang tweet: “Kapag walang name drop, ‘wag mag-assume na para sa’yo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan ‘yon nu’ng nag-post. Ibig sabihin no’n, guilty ka.”

Matatandaang nag-trending si Heaven at Kiko Estrada matapos ang kanilang pagkumpirma ng kanilang relasyon matapos magsabihan ng “I love you” sa Instagram post.