Comedian Caloy Alde pumanaw sa edad na 60

SUMAKABILANG-BUHAY si Caloy Alde, ang komedyante na tinaguriang “Mr. Bean ng Pilipinas.” Siya ay 60-anyos.

Nakilala rin si Alde bilang “Ogag” matapos bumida sa comedy show noon ng TV5 na may kaparehong titulo.

Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya pero kinumpirma ng ilang celebrities na malapit kay Alde ang balita sa pamamagitan ng mga mensahe ng pakikiramay sa social media.