Barong ni Robin di gawa ng sikat na designer; nabili lang sa SM

HINDI sikat na designer ang may likha ng barong na suot ng neophyte senator na si Robin Padilla sa pagsisimula ng 19th Congress ngayong araw.

Ito, ani Padilla, ay nabili lang niya sa SM.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Padilla na galing lang ang barong sa Onesimus sa SM Department Store.

Nagkakahalaga lamang ng P5,299 ang pinakamahal na barong habang nasa P1,699 ang pinakamura sa online store ng nasabing shop.