Chito Miranda nagpasalamat sa concern ni Angel Locsin

FLINEX ni Chito Miranda sa social media ang kabaitan ng kaibigan niyang si Angel Locsin na inalok ang bahay nito sa kanyang pamilya sa gitna ng banta ng pagsabog ng Taal Volcano.


Ibinahagi ni Chito sa Instagram ang screenshot ng pag-uusap nila ni Angel sa Messenger nitong Biyernes.


“Napakabait lang talaga nitong tao na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon…sobra talaga,” caption ni Miranda sa post.


Mababasa sa screenshot ang sinabi ni Angel na, “Chito! May kwarto kayo dito nila Neri at Miggy at kung sino pa kasama niyo sa house ha? Anytime pwede kayo dito.”


Sinagot naman ni Chito na ayos lang siya at ang kanyang pamilya at pinasalamatan ang aktres sa pag-aalala nito sa kanila.


Nakatira si Miranda, ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar, at ang kanyang pamilya sa Alfonso, Cavite. –A. Mae Rodriguez