Kahit pinalalayas na.. Pacquiao mananatili sa PDP-Laban

HINDI titiwalag sa ruling PDP-Laban si Sen. Manny Pacquiao sa kabila ng pambabatikos sa kanya ng mga opisyal nito kabilang si Pangulong Duterte.


“Hangga’t ako po ang presidente gagampanan ko po ‘yung trabaho ko,” giit I Pacquiao.


“Ayaw ko po nasasabihin ng members ng aking partido na wala akong ginagawa,” dagdag niya.


“Kung may mga member kami sa partido na iniisip nila na parang stepping stone lang para sa ibang vested interest, not in my time as president of the party,” hirit pa ng senador.


Ayon kay Pacquiao, maraming partido ang nais siyang ampunin, pero mas gusto niyang manatili sa PDP-Laban.


“Marami pong naaawa sa akin dahil wala naman akong ginagawang masama,” aniya. “Marami pong salamat sa inyong willing na pagtanggap sa akin. Gusto ko ipaalam na nandito pa po ako sa PDP at gusto kong ayusin at turuan ang mga tiwaling miyembro ng partidong ito.”