BTS: No breaking up

PANSAMANTALANG mamahinga ang global phenomenon na K-pop group na BTS.

Ngunit madaling klinaro ng grupo na hindi mabubuwag ang grupo.

“We’re going into a hiatus now,” ayon kay Suga, isa sa mga miyembro ng grupo, sa mahigit one-hour video na ipinost niya sa YouTube na may English subtitles nitong Martes.

Gayunman, naglabas ng statement ang Hybe, ang South Korean entertainment company na may hawak sa BTS.

Nilinaw nito na walang hiatus na magaganap at tuloy pa rin ang pagtatrabaho nila bilang grupo, gayunman magpopokus na ang mga ito sa solo projects.

“BTS are not taking a hiatus. Members will be focusing more on solo projects at this time,” ayon sa statement.