Britney Spears buntis

KINUMPIRMA ng pop icon na si Britney Spears na siya ay buntis sa kanyang ikatlong anak.

“I got a pregnancy test… and uhhhhh well… I am having a baby,” sabi ni Britney sa kanyang Instagram post.

Matatandaang noong Nobyembre 2021, nagdesisyon ang Los Angeles court na alisin sa ama ni Spears and conservatorship nito.

Hinilig ni Britney na alisin sa ama, na si Jamie Spears, ang conservatorship dahil sa ginagawang pagkokontrol sa kanyang buhay, at isa na nga rito ay ang hindi niya pagbubuntis.

Isinailalim si Britney sa conservatorship ng kanyang amang matapos niyang atakihin ang kotse ng isang paparazzi sa isang gas station noong 2007.