Boy Abunda: Okay kami ni Kris

NILINAW ni King of Talk Boy Abunda na bagaman may hindi pagkakaunawaan ay maayos ang samahan nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

“Okay kami ni Kris,” ani Tito Boy sa interview sa kanya ni Jessica Soho.

Huling nakausap umano ni Boy si Kris ay noong bago magpunta ang huli sa Amerika para magpagamot.

“The friendship is not perfect. Wala kaming problema ni Kris na hindi namin napag-usapan, and I’m referring to things that are personal, things that are political, things that are professional,” sey niya.

“Nabawasan lang ay ‘yung pagkikita naming personal. May mga debate kami tungkol sa mga bagay-bagay, but walang nabago. I mean, that has always been my friendship,” dagdag pa niya.

“Mahirap mabuwag ‘yon (pagkakaibigan). Physical presence yes, because of circumstances,” pagpapatuloy niya.