6 kawal nasabugan ng bomba

NAGTAMO ng sugat ang anim na sundalo na nasabugan ng land mine na itinanim umano ng rebeldeng grupo sa Las Navas, Northern Samar nitong Linggo.

Ayon kay National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., tinutugis na ng pulisya at militar ang mga miyembro ng New People’s Army na umatake sa mga tauhan ng 8th Infantry Brigade ng Philippine Army.

Napag-alaman na papunta ang mga sundalo sa water system project sa Brgy. Quirino nang biglang sumabog ang bomba na kanilang nadaanan alas-5:30 ng madaling-araw.

Nagkaganti naman ng putok ang mga sundalo at nasugatan din ang ilan sa mga rebelde.

Naniniwala si Azurin na ang komunistang grupo ang nasa likod ng pagsabog. Aniya, naghahasik ng karahasahan ang CPPA-NPA habang papalapit ang kanilang anibersyo sa Disyembre 26.