Bea, Dominic nagkikita, magkasama na uli?

HINAMON ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito ang aktor na si Dominic Roque na aminin kung nagkabalikan na sila o hindi pa ng kanyang ex-fiancee na si Bea Alonzo.

Sa kanyang vlog na OOTD, isiniwalat ni Jobert na ayon sa kanyang source ay may dinaluhan na zoom meeting si Dominic kamakailan lang.

“Habang nag-Zoom meeting siya, meron sa likod na boses na nagsalita. Boses ni Bea. But I’m not confirming if it’s Bea ang nagsalita. [Ang sinabi] ‘Hon, gusto mo ba ng tacos?'”

Dagdag ni Jobert, nataranta si Dominic.

“Ang ginawa niya agad ay kanyang ni-mute ‘yung kanyang phone,” sey ng showbiz insider.

“Kung hindi si Bea ‘yon, sino ‘yon? Ano ‘yun, agad-agad naka-move on na siya, na may girlfriend na siyang bago? Wala tayong nababalitaang ganyan,” sambit ng showbiz insider.

“Hon ang tawagan nila [ni Bea], di ba? Eto ha, kaboses ni Bea,” chika pa ni Jobert. “Sakaling nagkabalikan nga ang dalawa, matutuloy na kaya ang kasal?”