‘Bastos, duwag si Vice Ganda’

HINDI lang bastos kundi duwag pa si Vice Ganda sa ginawa niyang pang-aapi kay Juliana Parizcova Segovia, ayon sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa latest episode ng kanyang online talk show, ipinagtanggol ni Cristy si Juliana sa blind item ni Vice ukol sa isa umanong kakilala nito na dahil sa kahirapan ay kumapit sa patalim at naging internet troll para sa isang kandidato sa pagkapangulo.

Hirit ni Cristy, duwag si Vice dahil hindi nito pinangalanan si Juliana gayong malinaw naman na ito ang pinariringgan ng sikat na TV host-comedian.

“Hindi mo pa diniretso, pinatagilid mo pa samantalang kargado naman ‘yung mga mensahe mo,” ani Cristy.

“Duwag nga siya e, bakit hindi mo pinangalanan? Natatakot ka? E ‘di lalong kahiya-hiya itong nangyari ngayon, ang umalsa mga kababayan natin hindi si Juliana,” dagdag niya.

“Alam mo ito, ‘pag pinagbasehan natin itong isyu na ito, isa lang ang kahulugan nito–bastos si Vice Ganda. Natatakot si Vice Ganda na baka isang araw, may lumampas sa kanya,” sabi pa ng kolumnista.