Aso ka-date ni Bea sa Valentine

ANG furbaby niyang si Walter ang ka-date ng aktres na si Bea Alonzo nitong Valentine’s Day.

Ilang araw makaraang kumpirmahin na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Dominic Roque, ipinakita ni Bea sa publiko ang ganap niya sa Araw ng mga Puso.

Makikita sa isa sa mga larawan na in-upload ni Bea sa Instagram na kayakap niya si Walter. Sa mga sumunod na larawan ay ibinida ng aktres ang kinakain niyang chocolate at ang panonood sa animated movie na “Brave.”

“Today’s snaps. Happy Valentine’s Day, everyone,” aniya sa caption.

Nagpakita naman ng suporta sa aktres ang kanyang mga fans, ilan ay umaasang maaayos pa ang relasyon nila ni Dominic.

Noong February 11 ay naglabas ng joint statement sina Bea at Dominic upang ihayag ang kanilang hiwalayan.