Anne Curtis cover ng Lifestyle Asia

PROUD na finlex ni Anne Curtis ang kanyang hot mom-bod sa isang lifestyle magazine.

Ibinahagi ng Lifestyle Asia ang ilang photos ni Anne para sa latest issue nito.

“During her time away from the spotlight, #AnneCurtis has learned that the best lessons in life are learned through seeing the world,” sey ng magazine.

Si Anne ang cover nito para sa March 2022 issue.

Noong nakaraang Sabado, inanunsyo ni Curtis ang kanyang concert comeback na “Luv-Anne,” isang docu-concert tungkol sa kanyang buhay sa nakalipas na dalawang taon.

Matatandaang pansamantalang nanahimik sa showbiz industry nang mabuntis ito.