Refugee mula Ukraine papayagan sa PH

PAPAYAGAN sa bansa ang mga refugees mula sa Ukraine na nagnanais mabigyan ng asylum sa harap ng patuloy na pananakop ng Russia, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Idinagdag ni Guevarra na wala pa namang Ukranian na nagpahayag ng intensyon na humingi ng asylum sa Pilipinas.

Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 163 kaugnay ng programa para sa mga refugee sa harap ng ginagawang invasion ng Russia sa Ukraine.