Annabelle Rama: Malalaman n’yo kung sino ang totoong kontrabida

KLINARO ng talent manager na si Annabelle Rama na wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at manugang na si Sarah Lahbati.

Sa Instagram, niratrat ni Annabelle ang mga nagkakalat ng fake news ukol sa pagkakadawit niya umano sa gulo nina Richard at Sarah.

“Mga Chismosang Marites…wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time. Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida Mali ang bentang nyo sa akin,” pagdidiin niya.

Dagdag niya, hindi niya gustong maghiwalay ang dalawa.

“Basta ako ayaw ko silang maghiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko,” sabi ng talent manager.

Nagpahiwatig din siya na hindi siya kundi ang “mag-ina” ang tila nagtutulak ng hiwalayan. Hindi naman niya binanggit kung sino ang mga ito.

“Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis. Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.

Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita . Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata,” sabi niya.