Reggae singer todas sa aksidente sa Bacolod

DEAD on the spot ang reggae singer na si Kokoi Baldo nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo at magulungan ng truck sa Bacolod City ngayong umaga.

Ayon sa ulat, nag-overtake sa isang sasakyan si Baldo, 44, sa Circumferential Road, Purok Tultogan sa Brgy. Mandalagan nang mawalan siya ng kontrol at sumemplang ala-1:30 ng madaling araw.

Hindi naman agad nakapreno ang driver ng pasalubong na truck kaya nagulungan nito ang nakahandusay na katawan ng biktima.

Nakilala si Baldo nang maging contestant ng “The Voice of The Philippines” noong 2015.