‘Ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat sa aking bigat’

MATAPANG na sinabi ni Angel Locsin na hindi nasusukat ang kanyang halaga sa kanyang katawan.

Sa isang panayam, iginiit ng aktres na mahalaga sa kanya ay maganda siya sa paningin ng kanyang asawa at wala itong pakialam sa mga bashers.

“I’m trying but I’m not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don’t really care,” aniya.

“What I mean is, I don’t care kung ano ang opinyon ng ibang tao. Okay ako e. Ang ganda ko sa paningin ng asawa ko. Darating din tayo diyan, kung papayat ka, papayat ka, but it’s not an issue,” dagdag ng aktres.

“Ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko, sa ibang tao,” sinabi pa ni Angel.

Sinupalpal naman niya ang mga basher niya dahil sa weight gain.

“I’m acknowledging, yes, malaki ako. E ano naman ngayon? Bakit? may kawalan ba? Minsan kung makalait pa yung iba, tinitignan ko pa yung profile picture, ‘Excuse me naman sa ‘yo ha!” pahayag niya.