Alex Gonzaga natanggap pagkawala ng baby dahil kay Lord

NATANGGAP ni Alex Gonzaga ang pagkawala ng kanyang baby dahil ginabayan siya ng Panginoon.

Nitong Oktubre 2021, kinumpirma ni Alex na nakunan siya.

“Alam mo sa totoo lang, kapag sinasabi sa akin ‘yun [pagkakaroon ng baby], walang effect sa akin ‘yun kasi parang siguro, the Lord blessed me with acceptance,” ani Alex kay Yassi Pressman.

Inamin niya na hindi pa siya ready nang mabuntis ito sa asawang si Mikee Morada.

“Nung time na ‘yun hindi kasi talaga ako ready so lagi kong sinasabi kay Mikee, two years pa, three years pa. Gusto ko pang i-enjoy ‘yung married life. Pero nung nangyari ‘yun, feeling ko pinasilip lang ni Lord na huwag mong isipin na you are not ready because you are ready,” dagdag ng actress-TV host-vlogger.

“Pag naaalala ko ‘yung nawalan ako ng anak, hindi ko iniisip na nawalan ako ng blessing. The test became a blessing,” paliwanag pa ni Alex.