Agot di makapag-move on; ayaw maniwala sa 31M boto kay BBM

TILA hindi pa rin nakamo-move on ang actress-singer na si Agot Isidro sa pagkatalo ni Vice President Leni Robredo sa nakaraang halalan.

Sa Twitter, ini-repost ni Agot ang video ng grand rally ng Tropang Angat Buhay sa Makati noong kampanya.

“Maniniwala ako sa 31 million kung meron kayong resibo na ganito,” tweet niya.
“x2 dapat ha. 31m di ba? Sige nga,” paghahamon pa niya.

Isa si Agot sa pinakamaiingay na celebrity supporters ng outgoing vice president.