Bloggers hindi basta-basta makakapag-cover sa Malacanang

SINABI ni incoming Communications Secretary Trixie Angeles na magiging basehan ang bilang ng mga followers at engagement sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga b/vlogger.

“Ang kinu-consider namin, both following and engagements, kasi magkaiba po yan, you can have a following but very few respond to your posts. Hindi pa rin natin alam kung tama na ngayon, ang panahon na nararapat para ma-include sila, ano ang level ng inclusion,” sabi ni Angeles sa panayam sa DZMM.

Ito’y sa harap naman ng pagbatikos sa plano ni Angeles na bigyan ng akreditasyon ang mga b/vlogger sa Malacanang.

Malaki ang naitulong ng mga b/vlogger sa kandidatura ni President-elect Bongbong Marcos nitong nakaraang halalan.