Mahigit 2,300 aftershocks naitala sa Abra – Phivolcs

MAHIGIT 2,300 aftershocks ang naitala matapos ang malakas na magnitude 7.0 na lindol sa Abra, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs nitong Martes ng hapon, sinabi nito na may 2,304 na aftershock, kung saan 58 dito ang naramdaman.

Ang magnitude ng mga aftershocks ay mula 1.4 hanggang 5.1, ayon sa PHIVOLCS.

Nagdeklara ng state of calamity ang Abra noong nakaraang Huwebes.