48% Pinoy sinasabing mahirap sila – SWS

TINATAYANG 48 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Batay sa survey na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang 29, tumaas ang bilang ng mga pamilya na nagsabi na sila ay mahirap. Umabot sa 12.2 milyon ang nagsabing sila ay mahirap nitong Hunyo, mas mataas ito kumpara sa 10.9 milyon nitong nakaraang Abril.

Ayon sa survey ng SWS, 32 porsiyento naman ang nagsabi na nasa borderline na sila ng pagiging mahirap at 21 porsiyento naman ang nagsabing hindi sila mahirap.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,500 respondent sa buong bansa.