Magnitude 5.3 na lindol naramdaman sa Abra

INUGA ng magnitude 5.3 na lindol ang Abra kaninang alas-5:06 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 45 kilometro, limang kilometro hilaga ng Boliney, Abra.

Naitala ang Intensity IV sa Banayoyo, Ilocos Sur; Intensity II sa Baguio City, Benguet at Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte. 

Idinagdag ng Phivolcs na inaasahan ang pinsala at aftershock dulot ng lindol.