Lola sinunog para sa ritwal

MALAGIM ang naging kamatayan ng isang 75-anyos na lola na sinunog nang buhay nang kanyang mga kapamilya para sa isa umanong ritwal sa Brgy. Baliwagan, Balingasag, Misamis Oriental.

Ayon sa pulisya, pito sa 11 mga suspek ay naaresto na. 

Kabilang sa mga suspek ng mga anak, apo at iba pang kamag-anak ng biktima.

Hindi pa madetermina ng mga otoridad kung miyembro ng kulto ang pamilya ng biktima.

Base sa ulat, gumawa ng bonfire ang mga suspek bago binuhat at itinapon doon ang matanda.

Pinaikutan ng mga ito ang apoy saka sabay-sabay na umusal ng panalangin.