Binata nasobrahan sa alak, nanghalihaw ng itak

KULUNGAN ang bagsak ng 19-anyos na lalaki na nangharang ng mga dumadaan habang may bitbit na itak sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, nakipaghabulan pa sa mga rumespondeng pulis ang suspek bago ito nasakote.

Napag-alaman na bago nag-amok ay ilang oras na uminom ng alak ang binata.

Sa sobrang kalasingan, kumuha ng itak ang suspek saka lumabas sa kalye bago inakusahan na magnanakaw ang mga dumadaan sa Purok Gumamela Brgy. Sta. Monica.

Sinabi ng pamilya na nawala sa sarili ang suspek sa magkahalong kalasingan at galit kaugnay sa naganap na nakawan sa kanilang bahay.

Dinakip ng mga pulis at tanod ang suspek bago pa ito nakasakit.