Bea, Dominic ‘binura’ isa’t isa

WALA nang bakas ni Dominic Roque ang Instagram account ni Bea Alonzo.

Ayon sa mga netizens, kapansin-pansin na burado na ang lahat ng post, photos, at videos na may kinalaman kay Dominic sa IG account ng Kapuso actress.

Pero nang silipin nila ang account ng aktor, nagulat sila dahil pinagbubura na rin nito ang mga post na kasama si Bea.

Ilan sa mga binura ng dating magkasintahan ang video ng wedding proposal at ang mga pics ng mga biyahe nila sa ibang bansa.

Hindi naman ito ang unang beses na napabalitang nagbura si Bea ng mga post kung saan kasama niya ni Dominic.