Lasing nambato ng pulis, dedbol

DEAD on the spot ang lalaki nang batuhin umano niya ang mga pulis na dadakip sa kanya makaraan niyang bugbugin ang asawa sa Tuburan, Cebu.


Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan si Danilo Sampalad, 40, ng Brgy. Daan Lunsod.


Ayon sa ulat, rumesponde ang pulisya sa lugar Sabado ng umaga bunsod ng sumbong na binubugbog ng lasing na si Sampalad ang kanyang misis.


Sinabi ng mga pulis na inatake sila ng armadong suspek kaya nila ito binaril.


Pero kinontra ito ng kapitbahay at sinabing bato lamang ang hawak ni Sampalad.


Ayon sa saksi, pagdating pa lang ng mga alagad ng batas ay binabato na sila ng lasing na suspek.


Hanggang makapasok ang mga pulis sa bahay ng mga Sampalad ay binabato pa rin sila nito.


Maya-maya pa ay nakarinig ang kapitbahay ng tatlong putok ng baril.


Kinalaunan ay natagpuang patay si Sampalad.


Ayon sa saksi, nasugatan ang isa sa mga pulis.