Covid positive todas sa aksidente

NASAWI ang 26-anyos na lalaki nang sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo sa Roxas City, Capiz.


Nadala pa sa ospital ang biktima pero namatay ito makaraan ang isang araw. Nagtamo siya ng pinsala sa ulo at katawan.


Ayon sa ulat, galing sa inuman ang biktima nang sumemplang sa Brgy. Punta Tabuc nitong Huwebes ng umaga.


Walang suot na helmet ang biktima kaya humampas ang ulo niya sa kalsada.


Agad namang naitakbo sa ospital ang biktima kung saan siya isinailalim sa swab test.


Bago siya binawian ng buhay, lumabas ang resulta ng test: positibo siya sa Covid-19. –A Mae Rodriguez