Davao Oriental nilindol

INUGA ng magnitude 6.1 ang Davao Oriental alas-5:57 ng umaga ngayong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman ang Intensity 4 sa Manay, Davao Oriental at Intensity 2 naman sa General Santos City; Tampakan, South Cotabato.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang naitalang pinsala, bagamat inaasahan ang mga aftershocks.