Leni balik-Cebu; magpapakita ng lakas

BALIK-Cebu ngayong araw si presidential candidate Vice President Leni Robredo para muling suyuin ang mga Cebuano bago ang nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Unang dadayuhin ng kampo ni Robredo ang Bantayan Island umaga pa lang para isagawa ang People’s Rally, pagkatapos ito ay tutuloy sa Bogo City para sa isa pang rally.

Sa hapon ay magtutungo ito sa Danao City para sa isa pang People’s Rally at tutuloy naman sa Mandaue City para sa kanyang grand rally.

Ito ang ikalawang panunuyo sa Cebu ng kampo ni Robredo, bagamat nakasentro sa Cebu City at Talisay City ang nauna niyang pagbisita sa lalawigan.