Baguio gininaw; temperature naitala sa 11.8°C

KAILANGAN na ng mas makakapal na kumot at damit ang mga residente ng Baguio City ngayon na lalong bumaba ang temperatura rito.

Alas-5 ng madaling araw ngayon Sabado, naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang temperatura ng Baguio sa 11.8 degrees Celsius.

Ito ang pinakamababang temperatura sa ngayon sa buwan ng Disyembre.

Ang pinakamainit ngayong araw ay inaasahang nasa pagitan ng 23 at 24 degrees Celsius.

Nitong Biyernes, nasa 12 degrees Celsius ang temperatura.