Confirmed: Marian Rivera, judge sa Miss Universe 2021

KINUMPIRMA na ni Marian Rivera na magiging judge siya sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel ngayong buwan.

Ayon kay Marian, isang malaking karangalan ito para sa kanya.

“Minsan lang ito dumating at bakit hindi ko tatanggapin? Mahirap iwan ang mga anak ko pero naniniwala ako na balang araw ay maiintindihan nila kung gaano ka-importante ito,” chika ni Marian.

Si Marian ang ikatlong Pinay na kabilang sa nakuhang judge sa Miss Universe. Una ay ang international singer na si Lea Salonga noong 2011 at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong 2017.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang pagiging judge nito matapos ang Instagram post na caption na “Honored” na may emoji na crown at universe.