1 pulis patay, 2 pa sugatan sa helicopter crash

ISANG pulis ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan matapos mag-crash ang helicopter na kanilang sinasakyan sa Real, Quezon, Lunes ng umaga.

Unang naiulat na nawawala ang H125 Airbus with registry number RP-9710 ilang oras matapos itong mag-take off alas 6:17 ng umaga sa Manila Domestic Airport sa Pasay City at patungong Quezon.

Alas 8:05 ng umaga nang maiulat na nag-crash ito sa barangay Pandan, bayan ng Real.

Ayon kay PNP-PIO chief Brig. Gen. Roderick Alba Pat. Allen Noel Ona ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa crash site.

Sina Lt. Col. Dexter Vitug, ang piloto ng helicopter, at ang co-pilot nitong si Lt. Col. Michael Melloria, ay patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa Infanta, Quezon.