James Reid babalik pa ng Pinas

ITINANGGI ng ama ni singer/actor James Reid ang balitang sa United States na maninirahan ang anak

Ani Malcom Reid, nagtungo lamang ng US si James para sa recording at bisitahin ang kapatid.

“With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it,” komento ni Malcolm sa Instagram post.

“Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers,” dagdag niya.
Noong nakaraang linggo ay naging usap-usapan na sa US na titira si James matapos magkaroon ito ng despedida party kasama ang mga kaibigan.