Babaeng estudyante todas sa gunman

BINARIL at napatay ng rider ang 13-anyos na mag-aaral na naglalakad papuntang eskwelahan sa Agoncillo, Batangas kamakailan.

Ayon sa pulisya, nasawi ang biktima dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang ideya sa posibleng motibo sa krimen.

Samantala, sinabi naman ng mga otoridad na natukoy na nila ang nasa likod ng pagpatay.