Driver, pahinante tustado sa live wire

PATAY ang driver ng dump truck at kanyang pahinante nang makuryente sa Taysan, Batangas.


Ayon sa ulat, kinukumpuni ng driver ang dump box ng truck nang mahawakan niya ang nakalaylay na live wire.


Tinangka siyang isalba ng pahinante pero maging ito ay nakuryente rin.


“Noong iniangat po niya ‘yung dump box ng truck, tumama siya sa live wire. [Hindi niya nakita] kasi madilim po,” ani Taysan police chief Maj. Mickglo Mariñas.


“Hindi po napansin ng driver natin na ‘yun po ‘yung naging rason kung bakit po siya nakuryente,” dagdag niya.