Pasahero nagtanong ukol sa bomba, flight naantala nang 5 oras

LAKING-ABALA sa mga pasaherong patungo sa Japan ang pag-uusisa ng isang babae ukol sa bomba.


Umabot nang limang oras ang delay ng nasabing flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kinailangang magsagawa ng security protocol ang mga otoridad.


Ayon kay Airport Police Col. Esteban Eustaquio, naalerto ang mga mga bantay sa NAIA Terminal 1 matapos tanungin ng isang babaeng pasahero kung may bomba ba sa loob ng sasakyan nilang eroplano.


Nakatakda ang departure ng flight alas-9 ng umaga pero naantala ito matapos pababain ang lahat ng pasahero para sa isang inspeksyon.


Nasa 200 pasahero ang sakay ng naturang flight.