Hunk actor na-in love kay Claudine

INAMIN ng Kapuso actor na si Yasser Marta na nagkagusto siya kay Claudine Barretto habang ginagawa nila ang teleserye na “Lovers/Liars.”


Sa isang panayam, sinabi ni Yasser na na-fall siya sa aktres dahil napakalambing at napakabait nito.


Ayon sa aktor: “I’m going to be honest. Totoo, ako naman, ‘yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine.”


“Kahit hindi siya si Claudine, kahit naman sinong lalaki, magugustuhan pa rin po siya. Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya,” dagdag ni Yasser.


Hirit pa ng aktor, naging super-close sila ni Claudine noong ginagawa ang teleserye.


“Alam mo ‘yun, pati ‘yung mga anak niya naging friend, kaibigan ko rin talaga,” sey niya.


Matatandaan na noong isang buwan ay todo-flex si Claudine sa regalong high-end sneakers sa kanya ni Yasser.


“Super late thank you @itsyassermarta luv my rubber shoes,” ani Claudine sa Instagram post.
“Bagay sayo” ani Yasser sa comment section.