Liza Marcos kay Maharlika: I hope the money you got is worth the friendship you lost

MAY pahaging si First Lady Liza Araneta Marcos sa isa sa mga rabid critics niya na si Maharlika.

Sa panayam ni Anthony Taberna, sinabi ni Liza na nakilala niya si Maharlika nang magpunta ito sa kanilang bahay sa Ilocos Norte noong gobernador pa lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“She came…video-video. I think Bong was governor pa din. And then during elections, she was there. Then bigla na lang gumanon. Sabi ko, ‘Ha?!’ Okay. Wow,” aniya.

“I hope the money you got is worth the friendship you lost,” dagdag pa ng Unang Ginang.

Naniniwala si Liza na may mga tao sa likod ng US-based content creator para siraan siya at ang Pangulo.