Utos ni Digong na patay in drug suspects, figure of speech lang — Bato

FIGURE OF SPEECH lang ang kill order ni dating Pangulong Duterte laban sa mga nagbebenta ng ilegal na droga, ayon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa pamumuno ni Duterte, sinabihan niya ang pulisya at militar sa magkahiwalay na okasyon na patayin ang mga nagbebenta ng ilegal na droga at maging ang mga rebeldeng komunista.

“Nakatapos na si President Duterte ng six years. Until now hindi pa tayo nakaka-adjust sa kanyang style ‘di ba?” sinabi ni Dela Rosa.

“They are all figure of speech, ‘yung mga pinagsasabi niya. Mga hyperbole, mga metaphor o whatever or how you call it,” dagdag pa niya.

Ipinunto ni Dela Rosa na kahit nag-utos si Duterte ng pagpatay, walang pinatay ng ang dating chief executive.