Palasyo: Du30 seryoso sa Willie Revillame for senator, president

KINUMPIRMA ngayong araw ni presidential spokesperson Harry Roque na seryoso si Pangulong Duterte nang kumbinsihin nitong tumakbo sa pagkapangulo o pagkasenador ang TV host na si Willie Revillame.


“Kinukumpirma ko po iyan,” giit ni Roque.


Kahapon ay pinadalhan ng video message ni Duterte ang “Wowowin” host kung saan sinabi nito na bilib siya sa appeal ng huli sa masang Pinoy.


“Willie, si mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” mensahe ni Duterte.


Ayon sa Pangulo, bantulot si Revillame na tumakbo sa senatorial race sa susunod na taon. Pero, dagdag niya, may siguradong slot ang TV host kung magbabago ito ng isip.


“Kung ayaw mo na talaga, puwede tayong mag-usap ulit,” sabi pa ni Duterte. –WC