Roque sa 1Sambayan: Wishing you the best

MALAKING hamon ang kinakaharap ng opposition coalition 1Sambayan makaraang tanggihan ng maraming personalidad ang kanilang nominasyon para sa 2022 elections, ani presidential spokesperson Harry Roque.


“Dalawa lang ang tumanggap, sina Vice President Robredo at former Senator (Antonio) Trillanes (IV),” sabi ni Roque. “I wish them the best kaso mukhang mahirap talaga ang kausa ng 1Sambayan kasi karamihan ng na-nominate tumanggi.”


Matatandaan na noong Sabado ay inihayag ng 1Sambayan na ang kanilang nominado para sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Grace Poe, Sen. Nancy Binay, Manila Mayor Isko Moreno, lawyer Chel Diokno, religious leader Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, at dating Sen. Antonio Trillanes IV.


Sa mga nominado, tanging sina Robredo at Trillanes lang ang hindi tumanggi. –WC