Healthy si Duterte–Malacañang

MAAYOS ang kalusugan ni Pangulong Duterte, ayon sa Malacañang ngayong araw, dalawang araw mula nang madulas ito sa podium sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.


“It was a simple misstep. The President was turning on the podium,” paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque.


“Medyo na out-of-balance lang po, wala pong problema sa kalusugan,” dagdag niya.


Nasa ilalim ng Konstitusyon na kailangang ihayag ng Pangulo ang kondisyon ng kanyang kalusugan o kung meron siyang malubhang sakit. –WC