Kung si Isko parang callboy, kumusta si Mocha?


TODO-TANGGOL ang mga netizens kay Manila Mayor Isko Moreno sa mga pasaring dito ni Pangulong Duterte na hindi ito karapat-dapat maging presidente dahil “ang training nito ay parang callboy.”


Hirit ng isa mga tagasuporta ni Moreno: “Si Yorme Isko, hindi ikinakailang nagpasexy noong active pa sya sa showbiz. Nasaksihan din natin yun.”


“Kumakain nga siya ng pagpag noon, nangangalakal, nagdya-jumper ng kuryente nung hirap na hirap pa sila sa buhay. At yung mga sakripisyo nyang yun ang nagsilbing motibasyon nya para umasenso, magtagumpay at malagay sa kinalalagyan n’ya ngayon,” dagdag nito.


“Sinabi rin n’ya na wala s’yang tinatago at open book ang buhay n’ya sa mga taga-Maynila at sa buong bansa,” ayon pa ng netizen.


Naniniwala naman si Ateneo de Manila political science professor Carmel Abao na naghahanap lang si Duterte ng maipupukol kay Moreno para mabawasan ang kasikatan nito.


Sa isang panayam, sinabi ni Abao na walang pakialam si Duterte sa mga larawan ni Moreno o ang epekto nito sa moralidad ng tao. “He’s doing this so that Isko’s popularity ratings don’t go up any further,” ani Abao.


Ipinunto niya na wala namang naging problema sa Pangulo ang nakaraan ng sexy dancer na si Mocha Uson na itinalaga pa niya sa ilang mahahalagang puwesto sa pamahalaan.


Kaya ang tanong ni Abao: Bakit binabanatan niya si Moreno at hindi si Uson para sa parehong sitwasyon.


Si Uson, na ngayon ay Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator at dating Presidential Communications Operations Office undersecretary, ay dating lider ng sexy dance group na Mocha Girls at kilala rin sa pagbibigay ng mga sex tips online.


Matatandaang hinikayat ni Duterte ang mga Pilipino na huwag iboto bilang presidente ng Pilipinas ang isang hindi niya pinangalanan na mayor na may kumakalat na malalaswang larawan sa internet.


“Kayong mga Pilipino ‘wag kayong magpadala diyan sa mga pa-drama magsalita,” ani Duterte.


“Nakita ko nga sa Facebook kanina, naka-bikini ang gago, tapos may isa pang picture na sinisilip niya ‘yung ari niya. ‘Yan ang gusto ninyo? Ang training, parang, para lang, parang callboy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini, ‘yung garter tinatanggal niya,” dagdag ng Pangulo.


“‘Yan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture, at magsilip, magyabang sa kanilang ari?” aniya pa.
Hindi man pangalanan, isa lang ang tinutumbok ni Duterte.


Bago pumasok sa politika, isang aktor si Moreno.